Witness
Visite: 895
Witness
Torna alla lista dei Video
I-Witness Documentaries - Mga Lola ng 'Gapo - 1Mga lola ng 'Gapo Ang kuwentong buhay ng ilang lola ng 'Gapo, ihahayag ni Kara David sa kanyang dokumentaryo ngayong Lunes. Sa mga kalye ng dating red light district sa Olongapo City, maaabutan pa ang ilang datihang "hostess" na namamalimos at nagtitinda na lang ng yosi. Ito ang kwento ni Lola Flor, 86 taong gulang, na may maliit na pwesto ng sigarilyo sa tabi ng datihang bar na kanyang pinagtrabahuan. Di kalayuan, makikita naman si Lola Adelina, 89 taong gulang, na halos di na makalakad at namamalimos na lang sa lahat ng mga dumaraan. Pinasyal naman ni Lola Francine si Kara sa Magsaysay Avenue na dating sentro ng kalakalan sa pagitan ng mga Amerikanong GI at mga Pinay na bargirl. Sinariwa ni Lola kung kasaya ang lugar na ito noon. Sa edad na 67, parang isinasabuhay pa rin niya ang nakaraan sa kanyang bihis, make-up at kilos. Di na umalis ng Olongapo ang marami sa mga naunang bargirl ... kaya dito na sila nagkaanak. Ngayo'y mga apo naman nila ang nagsisipasukan sa mga club. Ang mga Lola ng 'Gapo, kilalanin sa I-Witness ni Kara David sa ika-30 ng Hulyo, Lunes ng hatinggabi, sa GMA-7. Durata: 9:33 |
Effettua il Login o Iscriviti per lasciare un commento













